ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bata, nasagasaan sa Cebu City matapos itulak daw ng kaniyang ina


Patay ang isang batang lalaki sa Cebu city nang nasagasaan ng sasakyan matapos na itulak umano ng sariling ina.

Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si John Mark Guinoo.

Base sa imbestigasyon, may mga nakakita na itinulak umano ng inang si Rebecca ang anak kaya nasagasaan.

Pero itinanggi ni Rebecca ang naturang alegasyon laban sa kaniya.

Nasa kostudiya ng Cebu City Transportation Office ang drayber ng sasakyan na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide. -- FRJ, GMA News

Tags: accident