WATCH: Jeepney 'dri-bae' ng Tagaytay, sikat ngayon online
Bukod kay Jeyrick "Carrot Man" Sigmaton, may bagong crush ang maraming netizens sa katauhan ng binansagang "dri-bae," o ang poging jeepney driver na pumapasada sa Tagaytay City.
Umani ng maraming likes at papuri sa netizens nang ma-upload sa Facebook ang larawan ng 22-anyos na jeepney driver na si Angelo Booc, na mula sa Silang, Cavite.
Kuwento ni Angelo, dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang magtrabaho kaagad nang magtapos siya ng high school.
Pero bago napunta sa pamamasada ng jeepney, naging carwash boy at messenger din si Booc.
Dahil viral na ang kaniyang kagwapuhan, may ilang dumarayo pa raw sa Tagaytay para sumakay sa ipinapasadang jeep ng "dri-bae."
Ang pagsisikap ni Booc sa buhay, para rin sa kaniyang misis at dalawang anak.
Natutuwa naman ang kaniyang maybahay sa pagsikat ng mister sa internet.
Nagpasalamat naman si Booc sa mga natatanggap na pagpuri at hinikayat niya mga tao na mamasyal sa Tagaytay. -- FRJ, GMA News