ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Rodrigo Duterte, nanumpa bilang pang-16 na pangulo ng Pilipinas


Nanumpa na si Rodrigo Roa Duterte bilang pang-16 na Pangulo ng Pilipinas—siya ang kaunaunahang chief executive ng bansa mula sa Mindanao.

Idinaos ang kanyang panunumpa sa loob ng Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañang, na pinangasiwaan ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes.

Para sa kanyag oath-taking, hawak ng kanyang 12-anyos na anak na si Veronica "Kitty" Duterte ang old Bible ng kanyang lola, ina ni President Rody na si Soledad or Nanay Soleng.

Nakatayo sa kanyang tabi ang mga anak niya sa unang asawa na si Elizabeth Zimmerman—Sina Paolo, Sara, at Sebastian. 

Kasalukuyang nagtatalumpati si Duterte habang sinusulat ang ulat na ito. —LBG, GMA News