ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

4 na estudyanteng naglalakad sa bangketa, sinalpok ng trak


Nasugatan ang apat na estudyante matapos silang araruhin ng isang trak sa Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Biyernes ng hapon, makikita sa CCTV footage na naglalakad sa bangketa ang mga biktima sa panulukan ng Legarda at Concepcion Aguila street.

Hindi nagtagal ay biglang dumating ang trak na nag-overtake sa isang jeep at tinumbok ang direksyon ng mga naglalakad na estudyante.

Pumailalim pa sa trak ang mga biktima.

Wala pang pahayag ang driver ng trak sa nangyaring insidente. -- FRJ, GMA News

Tags: hulicam