ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamahalaang KSA, aayuda sa stranded OFWs


Tutulungan ng pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia ang mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa krisis doon.

Sa isang pulong sa Philippine Consulate General sa Jeddah, sinabi ni Consul General Imelda Panolong sa mga OFW na dating nagtatrabaho sa kumpanyang Saudi Oger na babayaran ng pamahalaang Saudi ang upaid salaries at end-of-service benefits ng mga maggagawang Pinoy.

Bibigyan din umano sila ng pagkakataong mamili kung gusto umuwi sa Pilipinas o magpalipat ng ibang kumpanya doon sa KSA.

Ipinamahagi ng mga tauhan ng OWWA mga form na pipirmahan ng mga apektadong OFW kung saan nagsasaad kung ano ang kanilang pipiliin sa dalawang opsyon na ibinigay sa kanila.

Ipinaliwanag din ng konsulado ang proseso sa pag-claim ng unpaid salaries at end-of-service benefits.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Panolong na nakipagpulong sila sa mga opsiyal ng Saudi Ministry of Labor ng Western Region noong Martes at ipinaalam sa kanila ni Director General Abdullah Al Olayan ang programa ng pamahalaan para sa apektadong dayuhang mga manggagawa.

“Hiningan tayo ng listahan ng Filipino workers of Saudi Oger na willing umuwi at ang mga worker na gusto manatili dito at magpatuloy na magtrabaho at ma i-transfer sa ibang companies,” pahayag ni Panolong.

Aniya, aabot na sa 25 percent ng mga OFW ang  nakatanggap ng financial assistance simula pa noong nakaraang linggo.

Sisikapin umano, anya, na matapos ang pagbibigay ng financial assistance sa ating mga kababayan lalo pat dumating na ang ilang mga opsiyal ng OWWA mula sa Maynila para tumulong sa pamamahagi ng pera na ipinagkaloob naman ng pamahalaan ng Pilipinas.

“Sa ilalim ng financial assistance program na ginagawa ng ating pamahalaan, around 25 percent na ng mga workers affected, both from Saudi Binladed at Saudi Oger ay nakatanggap na...," aniya.

Bawat OFW na nawalan ng trabaho dahil sa Saudization ay dapat makatanggap mula sa pamahalaan ng Pilipinas ng P20,000  at P6,000 naman sa bawat pamilyaang naiwan nila sa Pilipinas. — LBG, GMA News