ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang lalaki na isinilid sa sako para disiplinahin sa Davao City, namatay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nauwi sa trahedya ang pagdisiplina sa umano'y "makulit" na tatlong-taong-gulang na lalaki na isinilid sa sako ng kaniyang amain sa Davao City.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, sinabing isinako, isinabit at pinalo umano ng suspek na amain na si Sonny Mendoza ang nasawing batang biktima na si Kian Gabriel Agustin.

Ang sinapit ng bata, nasaksihan umano ng pitong-taong-gulang na kapatid nito, na nagsabing 10 beses daw na nahulog sa sahig ang biktima habang nakasilid sa sako.

Anang batang saksi, naawa siya sa kaniyang kapatid na pinarusahan daw sa pagiging makulit nito.

Nang mapansin daw na hindi na gumagalaw ang bata, humingi sila ng tulong sa barangay at dinala sa malapit na klinika pero hindi na ito umabot ng buhay.

Iginiit nama ni Mendoza na isang beses lang nahulog si Agustin at posibleng tumama raw ang ulo nito sa sahig.

Inaalam pa kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay ng bata pero sinampahan na ng reklamong murder si Mendoza, habang reklamong parricide naman ang isinampa sa ina ng bata dahil sa wala raw itong ginawa para pigilan ang pagpapahirap sa bata. -- FRJ, GMA News

Tags: childabuse