Gobyerno handa sa kilos-protesta sa pagkadakip kay Joma
Nakahanda ang pamahalaan sa anumang pagkilos at pag-atake ng mga komunistang rebelde sa bansa bilang protesta sa pagkadakip kay Jose Ma. Sison, lider ng Communist Party of the Philippines (CPP), nitong Martes. Pinag-usapan ang mga paghahanda sa pulong ng National Security Meeting (NSC) sa Malacañang nitong Martes ng gabi, ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales. "Pinaghahandaan natin 'yan. Kagabi nandiyan ang Secretary of Defense at pinaghahanda ang AFP (Armed Forces of the Philippines) sa buong Pilipinas at PNP (Philippine National Police)," pahayag ni Gonzales nitong Miyerkules sa dzEC radio. Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Luis Jalandoni, kaalyado ni Sison, na kasado na ang mga protesta hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Layunin ng mga protesta na kundenahin ang isinagawang pag-aresto sa tagapagtatag ng CPP. "This afternoon or tonight, Philippine time, there will be rallies in different countries. Like in Hong Kong, Australia, America, Belgium, Netherlands ... so the Philippine government, the Dutch government and the European Union should look at the effect of this," pahayag ni Jalandoni sa dzBB radio. Ayon pa kay Jalandoni, na tumatayong chair ng National Democratic Front peace panel, ang ginawang pagdakip kay Sison ay mitsa ng armadong pakikibaka ng CPP at New Peopleâs Army. "The struggle will intensify. The NPA will not surrender. The fight goes on in the provinces. The struggle of various sectors will continue," ayon sa kanya. Ang pag-iisip kung paano makaganti imbes na magdasal sa kaligtasan ni Sison diumano ang mas inaatupag ng mga komunista, ayon kay Gonzales. "Alam mo itong mahilig gumamit ng violence âdi mo tiyak ang gagawin ng mga 'yan. 'Yan ang problema ng âdi demokratiko ang pag-iisip. Imbes na pagdarasal ang iniisip, [ang iniintindi] paano gagantihan ang gobyerno," sinabi ni Gonzales. Bagamat umatake ang mga komunista, hindi naman nito mahahadlangan ang amnesty program ng gobyerno para sa kanila na suportado pa rin ng mga lokal na opisyal sa mga probinsya. Magkakaiba ang impormasyong natatanggap ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño ukol sa tunay na dahilan ng pagkaka-aresto ni Sison. "Kagabi ang batayan, multiple murder charge sa Leyte kasangkot si Ka Satur [na] pinapa-dismiss sa Supreme Court. Early this morning ang balita, ibang murder case, inciting to murder. ' Yan ang dapat alamin," ayon kay Casiño sa hiwalay ng panayam sa dzEC radio. Nanawagan din ang mambabatas sa gobyerno ng Netherlands na respetuhin at bigyan ng due process si Sison bagama't sinabi rin niyang gumawa ang mga ito ng âgreat disservice to the peace process." "Gusto rin nating malaman, ano ang naging papel ng Philippine government sa kaganapang ito, pati ng US government at iba pa na nag-tag kay Sison as [a] terrorist," dagdag niya. Pinabulaanan din ni Casiño ang paratang na terorista si Sison sabay giit na intelektwal ito at ang kanyang mga sulatin ay sumasalamin sa kasalukuyang lipunan sa Pilipinas. "Isa siyang mahusay na intelektwal. Marami sa sulat niya nag-reflect sa katotohanan sa lipunan. Hindi dapat siyang ikategorya na terorista" ayon sa kanya. Ibinibintang ng pamahalaan ng Netherlands at Pilipinas kay Sison ang responsibilidad sa pagpatay kina Romulo Kintanar at Arturo Tabaraâmga dating lider komunista. Inakusahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang gobyerno na may kinalaman sa pagdakip kay Sison. âThe move to arrest Joma and the subsequent raids and interrogation of NDF personnel are done with the knowledge and prodding of the Philippine government. We condemn both the Dutch and Philippine government for these," ayon sa pahayag sa kanilang website. Idinagdag nito na walang legal na basehan ang pag-aresto at hindi malinaw kung bakit ito ginawa. "The rights of the NDF personnel are being clearly violated by the Dutch government. Their houses and offices are being raided by security forces with no clear legal basis. Meanwhile the Arroyo government is beside itself with glee over the latest developments," ayon sa pahayag. Nagtapos ang pahayag ng Bayan sa paggiit sa pamahalaan na tanggalin sa listahan ng mga terorista si Sison. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV