ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ex-vice mayor ng Apalit, Pampanga, binaril sa kaniyang resort
Patay sa pamamaril sa loob ng kaniyang resort ang dating bise alkalde ng Apalit, Pampanga nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Superintendent Wilson Alicunan, hepe ng Apalit police, ang biktima na si dating vice mayor Alex Manlapaz, 48-anyos.
Ayon kay Alicunan, lumitaw sa imbestigasyon na dalawang lalaki na nagpakilalang kostumer ang nagtungo sa Masa Royale resort sa Barangay San Juan, na pagmamay-ari ni Manlapaz.
Sa loob ng resort, doon na umano pinagbabaril ang biktima at kaagad tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa krimen.— FRJ, GMA News
Tags: crime
More Videos
Most Popular