ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagsita ng ama sa anak na nakababad sa telepono, nauwi sa trahedya


Nauwi sa trahedya ang pagsita ng isang ama sa kaniyang anak na matagal umanong gumamit ng telepono sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, sinabing napatay sa saksak ng amang si Wilfredo Guemera, 80-anyos, at kaniyang sariling anak na lalaki na si Richalle, 40.

Bago nito, nagtalo umano ang mag-ama nang sitahan ng nakatatandang Guemera ang kaniyang anak na matagal umanong nakababad sa telepono.

Sa halip na sumunod, itinulak daw ni Richalle ang kaniyang ama, na dahilan para kumuha naman ng kutsilyo na ipinansaksak sa anak ng dalawang ulit.

Isinugod pa sa ospital si Richelle pero binawian din ng buhay.

Sumuko naman sa pulisya ang ama, na nagsabing madalas daw manakit ang anak, na bukod sa lasenggo ay gumagamit din umano ng iligal na droga. -- FRJ, GMA News

Tags: familyfeud, crime