ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking hinihinalang lango sa droga, brutal na pinatay ang kaniyang lolo


Isang lolo ang pinatay sa taga at saka inalisan ng lamang-loob ng kaniyang apo na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot sa Talibon, Bohol.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing basta na lang tinaga ng suspek ang biktima at hinatak sa damuhan saka biniyak ang sikmura para kunin ang lamang-loob ng kaniyang lolo.

Nagkatay pa umano ng baboy at manok ang suspek saka inilagay ang dugo ng mga hayop sa katawan ng biktima.

Sinubukan pang pigilan ng kanyang tiyuhin ang suspek pero nagbanta ito at wala na umano sa katinuan.

Doon na humingi ng saklolo ang tiyuhin sa ibang tao kaya nadakip ang duguang suspek.

Paliwanag ng suspek, inakala niyang aswang umano ang kanyang lolo.

Hinihinala ng mga awtoridad na lulong ito sa iligal na droga ang suspek nang gawin ang krimen.

Nakakulong na ang suspek at sasampahan ng kasong parricide. -- FRJ, GMA News

Tags: crime