ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dating security aide: De Lima at Dayan may ‘romantic relationship’


Tumestigo laban kay Senator Leila de Lima ang dati niyang security detail at naglahad ng ilang mga detalye sa umano'y "romantic relationship" ng senadora sa kanyang dating driver.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara nitong Huwebes sa umano'y kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison, nabanggit din ni Presidential Security Group member Joenel Sanchez ang tungkol sa "De Lima sex video."

Ayon sa kanyang sinumpaang salaysay, nagbanggit si Sanchez ng mga detalye na magpapatunay sa bulong-bulongan na may "romantic relationship" ang dating Justice secretary sa dating driver na si Ronnie Dayan.

Nadawit si Sen. De Lima at Dayan sa umano'y negosyo ng droga sa loob ng Bilibid.

Sa kanyang affidavit, isinalaysay ni Sanchez na masyadong close sina De Lima at Dayan at umano'y palagi ang huli sa bahay ng senadora, at natutulog pa umano ang dalawa sa iisang kwarto tuwing may out-of-town trip sila. 

"Madalas din kaming pumunta sa bahay ni SOJ (Secretary of Justice) De Lima sa Bicol at kapansin-pansin ang sweetness nila. Habang kami ay bumibyahe papuntang probinsiya sila po ay nagsusubuan ng nilagang saging saba,” ayon kay Sanchez. 

Dagdag niya, regular na pinapasalubungan ni De Lima si Dayan ng personal items, alak, at sigarilyo. 

Noong mga 2012, ayon kay Sanchez, nilapitan umano siya ng isang drayber  ni De Lima na tinatawag sa palayaw na “Bantam” at ipinakita sa kanya ang umano'y mobile phone ni Dayan na naglalaman ng dalawa diumanong sex videos nina ni Dayan at De Lima.

Kahit binganggit ni Sanchez ang ilang mga eksena ng video, hindi umano niya natapos panoorin ng buo ang mga ito. 

“Naging biruan na lang namin ang nasabing video,” pahayag ni Sanchez.

Noong 2015, ayon din kay Sanchez, naidagdag sa security detail ni De Liman si MMDA rider Warren Cristobal.

Nagselos umano si Dayan kay Cristobal hanggang sa tinanggal ni De Lima bilang drayber si Dayan. 

Naobserbahan din umano nilang naging sobrang close na sina ni De Lima at si Cristobal. 

“Kapansin-pansin din ang closeness ni Warren at SOJ kung kaya't nagduda na kami na may special na relasyon ang dalawa,” dagdag ni Sanchez.

Inamin din ni Sanchez na nakatanggap siya ng P15,000 tatlong beses mula kay Reynante Diaz, ang talent manager ng Bilibid inmate na si Herbert Colanggo.

Matatandaang tumestigo si Colanggo na nagbibigay siya ng milyun-milyong piso kay De Lima bilang "drug payoff" para sa kadidatura ng dating SOJ. 

Ayon kay Sanchez, humingi siya ang pera kay Diaz para sa kanyang birthday, para sa Christmas, at “for the boys.”

Tinanggal umano siya ni Delima bilang seucrity aide dahil humiling umano siya ng tulong mula kay Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali Jr.  para sa kanyang ama na may sakit.  —LBG, GMA News