ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki, sinilaban nang buhay ng kaniyang pamangkin


Nagtamo ng malubhang sunog sa katawan ang isang lalaki sa Tagbilaran City, Bohon nang sinilaban siya nang buhay ng kanyang pamangkin.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing nagtamo ng lapnos sa katawan ng biktimang si Albino Misyon.

Natutulog daw ang biktima nang biglang pumasok ang kanyang pamangkin na si Dionisio at binuhusan nito ng gasolina ang tiyuhin at saka sinindihan ng lighter.

Ayon sa anak ng biktima, wala namang alitan ang dalawa pero lasing daw ang suspek nang mangyari ang insidente.

Tumakas daw ang suspek matapos ang insidente pero sumuko rin sa mga awtoridad kinalaunan. -- FRJ, GMA News

Tags: crime