ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
SANIB O MASS HYSTERIA?

40 babaeng mag-aaral, biglang nawala at nagsisigaw habang nasa klase


Sanib o mass hysteria?

Ito ang tanong matapos biglang magwala habang nagka-klase sa loob ng isang paaralan sa Sagbayan, Bohol ang 37 babaeng mag-aaral.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing bigla na lang nagwala at nagsisigawa ang mga estudyante noong Huwebes.

Ang apat umano sa mga mag-aaral, sa kani-kanilang bahay na umano "sinapian" ng kung anuman na dahilan din ng kanilang pagwawala.

Ayon sa ilang guro, bago magyari ang insidente ay napansin nila na mayroong tila pagbabago sa gawi ng mga bata sa nakaraang mga araw.

Dahil sa nangyari, marami umano sa mga mag-aaral ang hindi pumasok sa klase nitong Biyernes.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang pamunuan ng eskwelahan at ang Provincial Health Office, Department of Social Welfare and Development, at ilang kawani ng simbahan para alamin ang dahilan ng pagwawala ng mga estudyante.

Sa mga katulad na insidente noon, mass hysteria ang itinuturong dahilan ng mga eskperto sa pagwawala ng mga estudyante at hindi umano dahil sa sinapian ang mga ito. -- FRJ, GMA News

Tags: possession, sanib