ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

KO win, nais ni Duterte para kay Manny

 


Ipinagdarasal umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na manalo si Sen. Manny Pacquiao sa kanyang laban kontra Jessie Vargas sa darating na araw Linggo, at nais din niya na "early knockout win" ang mangyayari.

"Dapat knockout, at sana mas madalian. Kasi if it goes beyond the 7th, 8th [round] pagod na 'yan," paliwanag ni Duterte kahit na aminado siyang hindi siya eksperto sa boksing.

Aniya, "Kung masapol ni Manny 'yan, knockdown 'yan sigurado." 

"Hindi pa siya champion [noon], ... alam ko na he had that miracle punch ... Talagang malakas. It's a god-given gift," dagdag ni Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na palagi siyang nagdarasal tuwing may laban si Manny, at naaalala niyang sa tuwing sasabak sa ring ang tinaguriang "pambansang kamao," palaging may nakareserbang  ticket para sa kanya. 

Wala umano siyang ibang maisusukli sa kabutihang-loob ni Manny kundi ang pagdarasal. — LBG, GMA News