ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
INA NG BIKTIMA, OFW

Batang lalaki, patay sa gulpi ng kaanak na pinagkatiwalaang mag-aalaga sa kaniya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Namatay ang isang batang dalawang-taong-gulang sa Calinan, Davao City dahil umano sa tinamong matinding palo mula sa mga taong pinagkatiwalaan na mag-aalaga sa kaniya.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing  nagtatrabaho sa Bahrain ang ina ng biktimang si John Earl Cagalitan.

Sinabing ipinagkatiwala ng ina ang anak sa kanyang pinsang si Sarah Jane Alcain at sa kinakasama nitong si Ronilo Linggo.

Pero ayon kay Linggo, nagalit siya dahil umihi umano ang bata sa suot nitong shorts at sa mismong higaan.

Para madisiplina, inaming umano ng lalaki na pinagpapalo niya ang bata ng sinturon.

Pero matapos pakainin at patulugin, dito na raw nila napansin na malamig na ang kamay ng bata.

Isinugod umano nila sa ospital ang biktima pero pumanaw din.

Lubos ang paghingi ng tawad ng mga suspek na sinampahan ng kasong murder. - FRJ, GMA News

Tags: childabuse