ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Babaeng nakiangkas sa motorsiklo, hinalay umano ng 2 lalaki
Hindi inakala ng isang 30-anyos na babae sa Batac, Ilocos Norte na ikapapahamak niya ang pag-angkas sa motorsiklo ng dalawang lalaki.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, sinabing dinakip ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sina Rely Pitpit at Peter Razalan.
Base umano sa imbestigasyon, nakiangkas ang biktima sa mga suspek dahil wala itong masakyan.
Pero sa halip na ihatid, dinala umano ng dalawa sa malayong lugar ang biktima at saka pinagsamantahan.
Mariin namang itinanggi ang dalawang suspek sa bintang sa kanila ng babae. -- FRJ, GMA News
Tags: rapevictims
More Videos
Most Popular