ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Programang pangkabuhayan at amnestiya binigyan ng P500-M pondo


Nagpalabas ng P500 milyon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang pondohan ang mga livelihood at amnesty program ng pamahalaan. Ayon sa ulat ng GMA News Flash Report nitong Martes, panimulang pondo lamang ang ipinalabas ng Pangulo habang pinamumunuan ang pulong ng National Security Council (NSC). Hihingin ng Pangulo ang tulong ng lokal na pamahalaan at mga lider ng iba’t-ibang relihiyon upang masiguro ang tagumpay ng programa. Layunin ng pondo na palawigin ang kapayapaan sa kabila ng banta ng mga rebelde sa buong bansa. Sinabi rin ni Pangulong Arroyo ang kahalagahan ng dayuhang puhunan para makalikha ng bagong trabaho, ayon sa ulat ng dzBB radio. Pinaigting ng pamahalaan ang seguridad sa buong bansa matapos ang pagkakadakip sa lider komunistang si Jose Maria Sison sa Netherlands noong nakaraang linggo. Itinatag ni Sison ang Communist Party of the Philippines (CPP) na may armadong rebeldeng grupong New People’s Army (NPA). - Mark J. Ubalde, GMANews.TV