Seguridad sa Cotabato, hinigpitan dahil sa banta ng pambobomba
Pinaigting pa ng militar at pulisya ang seguridad sa probinsya ng Cotabato dahil sa banta ng pambobomba at surprisang pananalakay ng mga armadong grupo.
Kinumpirma ito ni North Cotabato acting Governor Sherlyn Macasarte, ayon sa ulat ng GMA News.
Sa ginanap na Emergency meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), ipinatawag ni Macasarte ang mga municipal mayor, mga chief of Police at mga opisyal ng militar at pinag-usapan kung paano paigtingin ang seguridad sa probinsya.
Mainit ngayon ang banta ng pambobomba at pananalakay ng mga armadong grupo dahil sa patuloy na pagtugis ng mga awtoridad kay Kumander Mabrox at Brgy Kapitan Renz Tukuran sa bayan ng Midsayap.
Ang dalawa ay sangkot umano sa bentahan ng illegal ng droga ang mga diversionary attacks dahil sa patuloy opensiba ng militar laban sa Maute Terror Group sa Lanao del Sur at mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.
Dagdag pa nito, sa pagkasawi ng 10 tao, kabilang na si Mayor Datu Samsudin Dimaukom sa isang anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Old Bulatukan sa bayang ng Makilala, posibleng may maghasik ng gulo sa mga taga-suporta nito at ilang grupo para sakyan ang pangyayari.
May ilang grupo rin ang naglalaban sa bayan ng Pikit dahil sa alitan sa pamilya.
Banta rin sa seguridad sa taong-bayan ang New Peoples Army (NPA) mga local recruit ng teroristang Jemmaah Islamiyah, Bangsamoro Islamic Freedom Fighter IFF, Abu Sayyaf Group, at Maute Terror Group.
Sa ngayon, araw at gabi ay magpapatupad checkpoint ang mga sundalo at pulis sa lalawigan. —LBG, GMA News