ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Maniningil na Indian national na nagpapa-'5-6,' patay sa pamamaril


Patay ang isang Indian national na nagpapa-'5-6' at maniningil umano ng pautang matapos siyang barilin ng salaring nakamotorsiklo sa Legaspi, Albay.

Sa ulat ni Mariz Umali sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nakahandusay sa tapat ng tindahan matapos barilin ang biktimang si Harfreet Singh Sran sa barangay Banguerohan sa Legazpi.

Ayon sa pulisya, nagtungo sa pinangyarihan ng krimen ang biktima na malapit sa tindahan para maningil ng mga "hulog" mula kaniyang mga pinautang.

Tumakas umano ang salarin matapos ang krimen na may takip lamang panyo sa mukha pero walang helmet.

Patuloy na iniimbestigahan ang mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril.

Nangyari ang insidente isang linggo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto at pagpapa-deport sa mga dayuhang sangkot sa pautang na "5-6."

Sa nakaraang ulat, itinanggi ng ilang Indian national na labis nilang tinutubuan ang kanilang mga pinapautang. (BASAHIN: Mga Indian national na nagpapa-'5-6,' nais ayusin ang kanilang negosyo at manatili sa Pilipinas)

Nakahanda umano silang sumunod at makipagtulungan sa gobyerno para maayos ang kanilang negosyo. -- FRJ, GMA News