ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bata, naipit ang paa sa escalator ng isang mall
Nasugatan at dinala sa ospital ang isang apat na taong gulang na lalaki matapos na maipit ang kaniyang paa sa escalator ng isang mall sa Bacolod City.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, sinabing paakyat ng escalator ang bata nang mangyari ang insidente.
Kaagad naman na pinatigil ang takbo ng escalator para maalis ang paa ng bata na nagdugo dahil sa nangyari.
Natuklasan na ang bata ay anak umano ng isa sa mga tenant sa mall at madalas daw na maglaro sa escalator nang walang sapin sa paa.
Wala pang ibinigay na pahayag ang pamunuan ng mall. -- FRJ, GMA News
Tags: accident
More Videos
Most Popular