ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LOOK
'Weird fish' na 'armored sea robin,' nalambat sa karagatan ng Romblon
Ikinagulat ng mga mangingisda sa Alcantara, Romblon ang kakaibang hitsura ng isda na kanilang nahuli sa dagat nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Tokloy Mayor, nakita nila ang isda na lumalangoy paikot sa kanilang bangka at nilambat nila ito.
Lumilitaw na ang isda ay isang armored sea robin, na kabilang sa mga isda mula sa pamilyang tinatawag na peristediidae ng scorpaeniform fishes.
Bihira itong makita dahil kadalasan na nasa malalim na bahagi lamang ng karagatan.
Noong 2014, isang mangingisda sa San Andres, Romblon ang nakahuli rin ng armored sea robin na napasama sa mga hinuli nilang isda.
May nahuli ring armored sea robin sa bahagi ng karagatan ng Antique noong Hunyo 2015.
-- FRJ, GMA News
Tags: rarefish
More Videos
Most Popular