ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Estudyante, ginilitan sa loob ng computer shop


Isang estudyante ang ginilitan habang nasa loob ng isang computer shop sa Kalibo, Aklan. Ang dalawang salarin, parehong menor de edad.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, makikita sa CCTV ng computer shop ang biktimang estudyante habang nakaupo at gumagamit ng computer.

Habang abala ang biktima, makikita naman na nakatayo sa likuran nito ang dalawang lalaki na nag-uusap.

Maya-maya pa, may binunot ang isa sa mga lalaking nakatayo at ginilitan ang biktima.
Napatayo ang nabiglang biktima habang hawak ang leeg.

Bumalik naman ang isang lalaking nakasumbrero na akmang sasaktan ulit ang biktima.

Hindi binanggit sa ulat kung ano ang dahilan sa pananakit ng mga suspek sa biktima na nagpapagaling na sa tinamong sugat.

Naaresto na ang mga suspek na parehong mga menor de edad. -- FRJ, GMA News

Tags: crime