ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
KARUMAL-DUMAL

Sanggol na apat na buwang gulang, dinukot at ginahasa


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol na apat na buwang gulang sa Carcar City, Cebu na natagpuang sa niyugan na ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing batay sa pagsusuri ng mga awtoridad ay lumitaw na positibong ginahasa ang sanggol.

Bago ang krimen, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na natutulog ang sanggol na katabi ng kanyang ina sa kuwarto pero hindi nito namalayan na may kumuha sa biktima.

Hindi rin umano alam ng ama ng biktima ang may tumangay sa kaniyang anak dahil natutulog naman ito sa kabilang kwarto at kasama ang iba pa nilang anak.

Walang pinto ang bahay at mga kuwarto ng pamilya at tanging kurtina lang ang nagsisilbing pangharang o tabing.

Anim katao ang inimbitahan ng pulisya para isailalim sa imbestigasyon at matukoy ang salarin.

Nagpapagaling na ang sanggol sa ospital. -- FRJ, GMA News

Tags: crime