ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
FIND OUT

Ang ika-walong bading sa 13 magkakapatid na girl, boy, bakla at tomboy


Nabiyayaan ng 13 supling ang pagsasama ng mag-asawang nina Ricardo at Marilou Tubato. Pero laking gulat nila nang maging bading ang pito sa sampu nilang anak na lalaki. But wait, there's more ang kwento sa pamilya dahil may isa pang maglaladlad. Panoorin.

Ayon kay Nanay Marilou, hangad sana niya na naging tunay na lalaki ang lahat ng kaniyang mga anak, o kung magkaroon man ng bading, sana raw  ay isa o dalawa lang.

Maging si Tatay Ricardo, hindi naiwasang magtaka kung bakit sunod-sunod na naging bading ang kaniyang itong anak na lalaki.

 

Pero tila lingid sa kaalaman ng mag-asawa na madadagdagan pa ang bading nilang anak dahil mayroon pang isang maglaladlad. Alamin kung sino sa magkakapatid ang ikawalong bading.

Paano ito tatanggapin ng mag-asawa? 

 

Click here for more of News and Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News