Joma Sison 90 araw pang makukulong - Bayan
Nagpalabas ng kautusan ang korte sa the Netherlands na manatili sa kulungan si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa susunod na 90 araw. Ito ang napag-alaman sa militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) nitong Miyerkules batay sa tinanggap nilang impormasyon sa mga abogado ni Sison sa Netherlands. Ang impormasyon ay ipinaabot nina Atty. Edre Olalia at Public Interest Law Center lawyer Rachel Pastores. Iaapela umano ng mga abogado ni Sison ang desisyon ng korte. Dahil dito, plano umano ng Bayan na magsagawa ng indignation rally sa Biyernes, Setyembre 14, upang iprotesta ang tinatawag nilang âcontinuing political persecution of Sison by the Dutch, Philippine and US governments." âThe continuing detention of Prof. Sison sabotages hopes for the resumption of peace talks between the National Democratic Front and the Government of the Republic of the Philippines. It is a step in the direction of escalating political repression," ayon sa grupo. Noong nakaraang Biyernes, dininig sa Netherlands ang argumento ng kampo ni Sison na ibasura ang double murder case na inihain laban sa kanilang kliyente, kasabay ng petisyon na ilabas ang desisyon sa loob ng isang linggo upang hindi na tumagal sa kulungan ang kinikilalang lider ng CPP. Dinakip ng awtoridad si Sison sa kanyang tinitirhan sa Netherlands noong Aug. 28. Sinalakay din ang tanggapan ng National Democratic Front. Si Sison ay kinasuhan kaugnay sa pagpatay sa dalawang dating kasamahan sa kilusang komunista na sina Romulo Kintanar at Arturo Tabara. - Fidel Jimenez, GMANews.TV