ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
WATCH
Anong misteryo ang bumabalot umano sa rebultong si 'Lelong?'
Sa Santo Cruz, Laguna, kilala ng maraming residente ang rebulto ni Señor Santo Sepulcro, o si "Lelong," dahil sa mga ginawa umano nitong milagro. Ang pinakahuling kababalaghan na ginawa raw ng rebulto ay ang biglang pagdilat ng mga mata nito at nakunan pa ng larawan.
Sa nakaraang episode ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho, tinalakay ang mga kababalaghan na ginawa umano ni "Lelong," na bukod sa sinasabing pagdilat ay minsan na rin umanong nakitang tumayo na mag-isa at naglakbay din daw noon sa sagingan.
Ano naman kaya ang posibleng paliwanag ng mga eksperto sa sinasabing pagdilat ng rebulto? Panoorin.
Click here for more of GMA News and Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
Tags: lelong, kapusomojessicasoho
More Videos
Most Popular