Pagpapalaya kay Joma ikinatuwa ng mga kaalyado
Nagalak ang isang makakaliwang grupo nitong Huwebes matapos iutos ng korte sa Netherlands ang agarang pagpapalaya kay Jose Maria âJoma" Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), bagama't natutuwa sila sa balita, isang maliit na tagumpay pa lamang na maituturing ang kalayaan ng 68-taon gulang na si Sison. "We are happy with the release of Professor Sison. This is just one small victory against the Philippines, Dutch and United States governments that conspired to persecute Sison," sabi ni Bayan secretary general Renato Reyes sa isang mensahe sa text sa GMANews.TV. Pinalaya ng Dutch court si Sison nitong Huwebes matapos hindi makakuha ng sapat na ebidensya para madiin ito sa kasong pagpatay sa mga tumiwalag na dating kaalyado sa grupo. Batay sa akusasyon, iniutos diumano ni Sison mula Netherlands na patayin sina Romulo Kintanar noong 2003 at Arturo Tabara noong 2004 sa Maynila. Inaresto ang kilalang lider komunista noong Agosto 28 sa Utrecht, Netherlands. Dalawang dekada nang nakatira doon bilang self-exile si Sison. Nakatakdan siyang palayain sa Scheveningen prison sa labas ng The Hague bago matapos ang araw ng Huwebes. Walang sapat na ebidensya Bagama't malinaw sa mga hurado na responsable ang CPP sa pagpaslang, na diumanoây internal decision, hindi naman malakas ang ebidensiyang direktang magdadawit kay Sison. ''There is much support in the evidence for the view that (Sison) still plays a prominent role in the Central Committee of the CPP and its military arm, the New People's Army,'' nakasaad sa maikling summary ng desisyon ng mga hurado sa the Hague District Court. Tumanggi ang mga awtoridad doon na magsalita pa ukol sa ebidensiya laban kay Sison bagama't aminadong galing sa Netherlands at Pilipinas ang mga ito. Pinagbawalan din ng korte na magbigay ng karagdagang impormasyon ang mga abogado ni Sison sa dalawang pagdinig na isinagawa mula ng pag-aresto. Ayon sa tagapagsalita ng prosekusyon na si Wim de Bruin, plano nilang mag-apela sa desisyong pakawalan si Sison. ''In the meantime, the investigation will continue, and Mr. Sison remains a suspect,'' sinabi ni Bruin. Reaksyon ng kaalyado ni Sison Ikinatuwa din ng malapit na kaalyado ni Sison na si Luis Jalandoni ang naging desisyon ng Dutch court. ''We're very happy Joma has been released now after 15-16 days of solitary confinement,'' ayon sa kanya. ''We are thankful to his lawyers, who worked very hard for his release, and supporters around the world," dagdag niya. Bagama't pinalaya na si Sison, nagbabala pa rin si Reyes laban sa posibleng hakbang laban sa pagkilos ng mga tumutuligsa sa gobyerno ni Arroyo. "Still, there will be more threats of persecution in the future. We must remain vigilant against those who tirelessly attack the people's movement," sinabi ni Reyes. Walang ideya ang Palasyo Hindi pa nakatatanggap ng kaukulang pahayag ang Malacañang ukol sa pagpapalaya ni Sison. "(We have) no idea of this development," ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye. Samantala, ang tanging nakarating na impormasyon lamang kina National Security Adviser Norberto Gonzales at Jesus Dureza, Presidential Adviser to the Peace Process ay mananatili pa rin sa kustodiya ng Netherlands si Sison ng hanggang 90 araw. Nauna nang nagbabala si Presidente Gloria Macapagal Arroyo laban sa mga lider-komunista at sa armadong grupo ng CPP na New People's Army na tanggapin ang inaalok na amnestiya kundi ay harapin ang bagsik ng militar. "If we are to become a modernized country, we have to put a stop to their ideological nonsense and their criminal acts once and for all. It is either amnesty or military solution. Whichever way, Communist rebellion must be stopped," ayon kay Mrs Arroyo. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV