De Lima kung mapunta si Duterte sa impiyerno: 'Kawawa naman si Satanas'
Binuweltahan ni Senador Leila de Lima ang naging pahayag sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat umano siyang maging reyna ni Satanas sa impiyerno.
Sa sulat-kamay na pahayag mula sa kaniyang detention facility sa Camp Crame nitong Huwebes, sinabi ni De Lima na “libelous” ang mga binitiwang pahayag ni Duterte nang humarap ito sa Filipino community sa Bangkok, Thailand nitong Miyerkules.
“Unsatisfied with the fact that he was already able to imprison me, he continues to destroy me before various audiences like a market fishwife and leaves no dignity whatsoever to the office he holds,” ayon kay De Lima, kilalang kritiko ni Duterte.
“I pity the President for believing in his own lies. I continue to pray for a miracle that during his visit in Thailand, the President will, during a lucid, Fentanyl-free interval, be enlightened in the peaceful ways of the country he is now visiting, like the way Gautama Buddha achieved enlightenment,” dagdag ng senadora na nakadetine dahil sa kinakaharap na kaso tungkol sa iligal na droga.
Dati nang itinanggi ni De Lima ang mga paratang laban sa kaniya.
Sa talumpati ni Duterte nitong Miyerkules sa mga Pinoy sa Thailand, sinabi nito na batid niya na bilang na rin ang sandali niya sa mundo dahil sa kaniyang edad. At kapag pumanaw na, sa impiyerno umano siya mapupunta pero hihintayin niya doon si De Lima.
“Sigurado man, ‘pag sa edad, siyempre mauna ako, sigurado — wala naman akong ambisyon, impiyerno talaga ako. Iyan ang totoo. Pero maghintay ako sa kanya [De Lima]. Pagdating niya, sabihin ko talaga, ‘Senyor Satanas, dumating na ang reyna na hinihintay mo.’ Eh totoo man,” pahayag ni Duterte na magdiriwang ng kaniyang ika-72 kaarawan ngayong Marso.
READ: Duterte, sasabihin daw kay Satanas na gawing reyna si De Lima
Pero ayon kay De Lima, ipagdarasal niya na maisalba sa impiyerno si Duterte.
“That might be too much to ask, but miracles do happen. This is my fervent prayer so that he may be saved from hell and so that Satan may be saved from his potty mouth. Kawawa naman si Satanas kay Duterte 'pag nagkataon,” ayon sa senadora. — FRJ, GMA News