ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PANOORIN
Alin ang lasing, ang pedicab o si manong driver?
Isang pedicab na-hulicam na pagewang-gewang dahil lasing umano ang nagmamaneho sa gilid ng isang kalsada sa Baao, Camarines Sur.
Sa CCTV camera footage sa ulat ng Balitanghali, dahan dahan ang takbo ng pedicab sa gilid ng kalsada at kitang-kita na parang tulog itong minamaneho ng isang lalaki.
Kita sa video na unti-unti pang nahuhulog ang lalaki mula sa pedicab habang mabagal na nagpipidal.
Nahulog pa ang lalaki ng dalawang beses mula sa pedicab nang magtanggakang bumaba.
Bandang huli, nagpasya ang lalaki na tumigil na muna sa pagmamaneho at nagpahinga sa kanyang pedicab. —ALG, GMA News
Tags: drunkpedicabdriver
More Videos
Most Popular