ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
OPISYAL NG POLO

Proseso sa benepisyo ng stranded OFWs sa Saudi, 70% complete


OFW claimants sa Saudi Arabia. --via R. Concha

Nasa 70 porsyento na ang proseso na pag-claim ng mga benepisyo ng OFWs sa Saudi Arabia na nawalan ng trabaho o hindi pa nabigyan ng kanilang labor claims.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah, bibisitahin ng Philippine labor officials ang natitirang OFWs, partikular na ang nagtatrabaho sa kumpanyang Saudi Oger.

Malalaman sa loob ng dalawang buwan ang eksaktong halaga ng mga benepisyo na matatanggap ng lahat ng mga manggagawa ng kumpanya, pahayag ni Assistant Labor Attaché Rose Mangahas, OIC ng POLO sa Jeddah.

Ang Saudi Oger ang isa sa may pinakamaraming OFW na nawalan ng trabaho at hindi na nakakasahod ng maraming buwan dahil sa krisis sa langis at sa epekto ng Saudization program ng kaharian sa larangan ng paggawa.

Karamihan sa mga apektadong OFWs ay umuwi na ng Pilipinas pagkatapos gumawa ng Special Power of Attorney para sa paghahabol ng kanilang mga benepisyo, kabilang dito ang kanilang mga unpaid salaries.

Sinabi ni Mangahas na sa huli nilang pakikipagpulong kamakailan sa mga opisyal ng Saudi,  isa sa mga napag-usapan ay ang mga estado ng mga unpaid salary at mga benepisyo na hinihiling ng mga OFW.

Sa kasalukuyan ay nasa 70 porsyento na raw ang isinasagawang proseso para sa mga benepisyo.

“Ang sabi po nila ay nasa Sitenta porsyento na sila ng proseso at madi-determine na kung magkano ang claim ng bawat isa," ayon kay Mangahas.

Pahayag niya sa mga OFW, "Ang prosesong nangyayari yung claim na inilagay nyo sa inyong SPA at nasa rcord ng company ay ire-reconcile nila at asahan daw natin mayroon ng desisyon sa loob ng dalawang buwan." —LBG, GMA News