Rhinoceros, dambuhalang elepante at unanong buffalo, dating namuhay sa Pilipinas
Alam ba ninyo na may ilang pambihirang hayop ang minsang namuhay sa Pilipinas bago sila tuluyang naglaho sa mundo?
Sa isang episode ng programang "AHA!," sinabing minsang gumala at naglakad sa lupain ng Pilipinas ang Philippine Rhinoceros, ang Stegodon o malaking elepante na may habang 'pangil' o tusk, at ang cute na Cebu Dwarf Buffalo na mahigit dalawang talampakan lang ang taas.
Ang nakitang mga fossil o bahagi ng kanilang katawan ang katibayan na minsan nabuhay sa Pilipinas ang mga nabanggit na hayop.
Ang Stegodon ay sinasabing naglagi noon sa lalawigan ng Kalinga sa Northern Luzon may 10 milyon taon na ang nakalilipas matapos makita rito ang molar fossil ng nasabing dambuhalang hayo noong 1973.
Samantala, 1.8 milyon taon na ang nakalilipas ay mayroon palang gumagalang mga Philippine rhinoceros sa Maynila. Noong 1965, may makita umanong fossil nito sa Fort Bonifacio sa Intramuros.
Ang dwarf buffalo naman na makikita sa Cebu noong tinatayang 10,000 hanggang 100,000 taon na ang nakalilipas ay may taas lang umano na 2.5 feet o mahigit dalawang ruler lang.
Ilan sa mga pinaniniwalaang dahilan kung bakit naging extinct o tuluyan silang naglaho sa lupa ay ang pagkawala ng kanilang tirahan, pagbabago sa lagay ng kanilang kapaligiran, kawalan ng makakain, at pagpapatayan mismo ng mga hayop.
Panoorin ang naturang hitik sa impormasyon na episode ng "AHA!":
Click here for more of GMA Public Affairs video:
-- FRJ, GMA News