ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
ANGEL, GABRIEL, PATOK NA IPANGALAN

200 sanggol ang isinilang bawat oras noong 2014


Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 1,748,857 ang naitalang sanggol na isinilang noong 2014 sa bansa. 

Ang naturang bilang ay katumbas umano ng 4,791 sanggol na isinisilang bawat araw, o 200 sanggol na iniluluwal bawat oras, o tatlong baby ang ipinapanganak bawat minuto.

Sa bilang ng mga sanggol na isinilang noong 2014, mas marami ang lalaki na umaabot sa 912,465 o 52.2 porsiyento. Habang 836,392 naman ang sanggol na babae o 47.8 porsiyento.

Ang 10 pangalan na naging paboritong ibigay umano sa mga sanggol na lalaki ay Gabriel, Joshua, James, Daniel, Jacob, John Mark, Angelo, Christian, Nathaniel, at John Paul.

Samantala, ang mga paboritong ipangalan naman sa mga sanggol na babae noong 2014 ay Angel, Princess, Althea, Andrea, Angela, Nicole, Ashley, Samantha, Jasmine, at Janine. -- FRJ, GMA News