ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kapuso Network, magbabawas ng 2,000 lbs para sa Fit Filipino Challenge


"GMA accepts the challenge and pledges 2,000 pounds to FitFil!"

Ito ang inanunsyo ng Kapuso network na kanilang pagsusumikapan nang tanggapin ang Fit-Filipinos (FitFil) National Weight Loss Challenge nitong Huwebes, Hulyo 20, sa ginanap na ikalawang General Assembly ng GMA.

 

GMA Network accepts the challenge
GMA Network accepts the challenge

 

Pinangungunahan ni veteran actress Jackie Lou Blanco, sinamahan din nina Kapuso actress Solenn Heussaff at comedian Betong Sumaya ang mga GMA employees at personnel na mag-pledge.

Ang mga Kapuso employees na kasali ay inaanyayahang magbawas ng minimum na 3 pounds mula Hulyo 20 hanggang Nobyembre 17, 2017. Ang final weigh in naman ay gagawin sa Nobyembre 20 hanggang 24 upang malaman kung ilan sumatotal ang pounds na nabawas mula sa network.

Ilan lamang sa mga exercises na pwedeng gawin ng mga kasali ay pagdalo ng zumba class, jogging, pag-akyat-baba sa hagdan, jumping jacks, pero malaya silang pumili ng kanilang masasayang activities.

"Ang gusto ko po sa challenge na ito is as a network, we can help each other. Pwedeng by partners or by barkada. You can share fitness tips or workout videos," ani veteran actress Jackie Lou Blanco.

"Actually, all you really need to do, if you want, is to workout four minutes a day and you can lose as many as 600 calories," dagdag pa niya.

Ikinuwento pa ni Ms. Jackie, na isa ring supporter fitness, na gusto pa niyang imbitahan ang iba pang GMA artists para sa kilusan.

"I wanted to be part of that. I want to tell GMA about it. I want to encourage as many people to join the challenge."

Ang Fit-Filipinos (FIT-FILs) Movement ay binuo nina Biggest Loser Philippines trainers Jim and Toni Saret, na naglalayon na mas maging fit at healthy ang mga Pinoy sa pamamagitan ng pagbabawas ng sumatotal 1,000,000 sa 2020.

"We're extremely excited with GMA joining. Basically, it is showing that it is a united program that is open for everyone... This is a total nationalistic campaign," pahayag ni coach Jim.

"Ikinagagalak talaga namin na kasama ang GMA network dahil para sa lahat ng sambayanan ito, sa bawat katao, bawat Pilipino, saang sulok ng mundo," sabi naman ni coach Toni.

Ang isang indibidwal na kalahok ay maaaring mag-pledge ng hanggang 10 pounds, kung isang grupo, 5 pounds kada miyembro; isang corporate o asosasyon, 3 pounds kada miyembro; LGUs at national agencies, 3 pounds kada miyembro. — Jamil Joseph Santos/LA, GMA News

Tags: fitfil