ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PAGHAHANDA PARA SA ASEAN

Mahigit 60 kataong hubad, nag-iinuman, pinagdadampot sa Maynila


Bilang paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit, nagkasa ng operasyon ang Manila Police DIstrict sa Malate nitong Biyernes ng gabi kung saan pinagdadampot nila ang mahigit 60 katao na mga walang damit pang-itaas at nakikipag-inuman sa mga pampublikong lugar.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA News "Balitanghali," sinabing 20 ang nahuling walang suot pang-itaas, 38 ang nag-iinuman sa pampublikong lugar, kabilang ang tatlong menor de edad, at 10 ang hinuli para suriin kung mayroon silang reklamo.

Nahuli naman ang number 3 mosy wanted ng Malate Police Station na si Arsenio Quintana Jr., na tinutugis sa kasong attempted murder.

"Nag-iinuman sila. After verification, nakita natin na mayroon pala siyang warrant of arrest," ayon kay Chief Inspector Paulito Sabulao, commander, Arellano PNP.

Ang mga lumabag sa ordinansa ay kinasuhan samantalang pinauwi naman ang mga sumailalim sa verification at natagpuang walang kaso.

"Itong aming operation na sa simultaneous anti-crime, law-enforcement operation ay in preparation sa ginaganap na ASEAN," sabi pa ni Quintana. — MDM, GMA News

Tags: asean2017