ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
MULA RAW SA INUMAN

4 patay, 4 sugatan, matapos sumalpok ang sinasakyang kotse sa pader sa Pangasinan


Apat ang patay at apat pa ang kritikal sa ospital matapos bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang pader ng bahay sa Lingayen, Pangasinan.

Sa GMA "News TV Live" nitong Sabado, sinabi ng pulisya na mabilis raw ang takbo ng kotse at nanggaling daw sa inuman ang mga nasa sasakyan.

Matapos bumangga, umapoy pa raw ang makina ng kotse.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga kaanak ng mga biktima.

Patuloy na ginagamot ang mga sugatan sa disgrasya. — Jamil Santos/MDM, GMA News