ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng may dalang 10 baril papuntang Davao, arestado sa Ormoc


Arestado ang isang 23-anyos na babae matapos matagpuan sa loob ng kaniyang bag ang sampung baril na ibabiyahe niya sana papuntang Davao City.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, kinilala ang suspek na si Jean Mata, na hinarang ng mga awtoridad sa Ormoc City.

Ayon sa dispatcher ng bus, napansin daw niyang mabigat ang dinadalang bag ng babae.

Nang usisain ng mga pulis, umamin ang suspek na ikalawang beses na niyang nagbiyahe ng mga armas papuntang Davao City.

Depensa ng suspek, hindi raw kaniya ang mga baril, at pinapadala lang sa kaniya ang mga ito ng isang contact sa Palompon, Leyte.

Mahaharap si Mata sa reklamong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives. — Jamil Santos/MDM, GMA News