Gatas na pambata pwedeng ipatalastas - SC
Nagkaisa ang mga hurado ng Korte Suprema nitong Martes na hadlangan ang pagbabawal ng Department of Health (DOH) sa mga patalastas tungkol sa gatas na pambata. Ipinawalang-bisa ng korte ang ilang bahagi ng DOH Administrative Order 2006-00012 o ang revised implementing rules and regulations (RIRR) ng Executive Order 51, o mas kilala bilang âMilk Code." Kabilang sa mga pinawalang-bisa ay ang Section 4(f) na nagbabawal sa "advertising, promotions or sponsorships" ng infant milk at mga katulad na produkto; Section 11 na nagbabawal sa mga anumang advertisement para sa mga produkto ng gatas para sa mga sanggol hanggang dalawang-taong gulang na bata; at ang Section 26 na nagmumulta sa sinumang lalabag sa Milk Code at RIRR. Sinabi ng SC na hindi na sakop ng awtoridad ng DOH ang promulgasyon at ito ay taliwas sa batas. Subalit bukod sa mga nabanggit, sinabi ng Korte Suprema na ang ibang nilalaman ng RIRR ay alinsunod sa panuntunan at hinahangad ng Milk Code. "The rest of the provisions of the RIRR are in consonance with the objective, purpose and intent of the Milk Code, constituting reasonable regulation of an industry which affects public health and welfare and, as such, the rest of the RIRR do not constitute illegal restraint of trade nor are they violative of the due process clause of the Constitution," nakasaad sa 53-pahinang desisyon. Ang Pharmaceutical and Health Care Association of the Philippines (PHAP) ang tumayong petitioner sa kaso na kumukwestiyon sa batas ng DOH. Ilan sa mga kasapi nito ang malalaking drug companies katulad ng Abbot Laboratories, Wyeth Philippines, Mead Johnson, AstraZeneca Pharmaceuticals, Bayer Philippines, Novartis, GlaxoSmithKline and Mercury Drug Corporation. Ang mga kinasuhan ay sina Health Secretary Francisco Duque III, Health Undersecretaries Dr Ethelyn Nieto, Dr Margarita Galon, lawyer Alexander Padilla, Dr Jade del Mundo, Dr Mario Villaverde, Dr David Lozada at Dr Nemesio Gako. Nabuo sa loob ng 20 taon ang RIRR ng Milk Code sa tulong ng World Health Organization (WHO) at ng Unicef, ang dalawang organisasyon sa tumulong sa DOH na tanggalin ang advertisement ng mga infant milk formula sa mga commercial habang itinutulak ang breast feeding o ang pagpapasuso ng ina sa mga sanggol. Para sa Korte Suprema, hindi maaring itulad ang advertising ban sa pambansang batas na layuning protektahan at suportahan ang pagpapasuso ng mga ina. Dahil dito, tinanggal na ng korte ang temporary restraining order na hiniling ng PHAP noong Agosto 15 ng nakaraang taon sa iba pang nilalaman ng batas. Nilagdaan ni Justice Ma. Alicia Austria-Martinez ang desisyon. Umapela ang DOH kay Martinez at sa apat pang babaeng huradoâ sina Associate Justices Consuelo Yñares-Santiago, Angelina Sandoval-Gutierrez, Conchita Carpio-Morales at Minita Chico-Nazario âna kilalanin ang legalidad ng ad ban. Ayon sa Korte, nabigo ang PHAP na suportahan ang iginigiit nitong âparticipation of manufacturers in policymaking bodies (Section 4(i)); classes and seminars for women and children (Section 22); extending assistance, support and logistics for training (Section 32); giving donations (Section 52) would be detrimental to the trade of infant milk formulas." - Mark J. Ubalde, GMANews.TV