ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mainit na panahon sa Pinas
Tuwing buwan ng Marso hanggang Mayo kadalasang nararamdaman ang mainit na panahon sa Pilipinas. Pero alam nyo ba kung kailan at saan naitala ang pinakamainit na panahon sa bansa. Sa Metro Manila, sinasabing 38.5 degrees Celsius ang pinakamainit na panahon na nangyari noong Mayo 1987 sa bahagi ng Quezon City. Ngunit ang pinakamainit na panahon ay sinasabing naganap noong Abril 1969 sa Tuguegarao, Cagayan na umabot sa 42.2 degrees Celsius. Nararanasan ang pinakamainit na sandali mula 1 p.m. hanggang 3 p.m. at mula 5 a.m. hanggang 7 a.m. naman nararanasan ang pinakamalamig na sandali sa isang araw. Sinasabing naranasan sa Baguio ang pinakamalamig na panahon sa bansa noong Enero 1903 na umabot sa 3 degrees Celsius. - GMANews.TV
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular