ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 tulak umano ng droga patay sa mga pulis sa Laguna


Patay ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng droga sa buy-bust operation sa Calamba City, Laguna nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Kinilala ni Superintendent Reynaldo Maclang, Calamba City Police chief, ang isa sa dalawang napaslang na suspek na si Christopher Manjares, residente ng Barangay Pansol.

Bumunot umano ng baril ang mga suspek nang mahalatang pulis ang kanilang katransaksyon sa droga sa Barangay Pansol bandang 2:30 ng madaling araw.

Ayon kay Maclang, mga bagong kilalang drug personalities ang dalawang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong baril. —ALG, GMA News