49 katao, arestado ng QCPD sa loob ng 2 araw dahil sa ilegal na droga
Umabot sa 49 na katao, kabilang ang mag-ama, ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang magsagawa sila ng kanilang anti-drugs operations sa Quezon City.
Arestado sa isang buy-bust operation Biyernes ng gabi sina Orlando Vidal Sr, 44 anyos at nasa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watch list, kaniyang anak na si Orlando Vidal Jr, 18, at mga kamag-anak nilang sina Valentino Vidal, 37-anyos, Mark Dominique Fernandez, 24, Joseph Cabalo, 35, at Eduardo Legarda, 53, mga residente ng Barangay Sta. Lucia, Novaliches, QC.
Ayon kay QCPD director Superintendent Joselito Esquivel Jr, dinakip ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Fairview Police Station - Drug Enforcement Unit, sa pamumuno ni Supt. Benjamin Gabriel Jr, at ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni Chief Inspector Ferdinand Mendoza.
Biyernes ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng drug deal kay Orlando Jr sa No. 88 Mabini St, Brgy. Sta. Lucia, kung saan nakabili ang poseur buyer ng sachet of shabu na nagkakahalaga ng P500.
Ngunit natunugan ni Vidal Jr. na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya agad itong tumakbo sa kanilang bahay. Tiyempo namang nagse-session ang kaniyang ama at mga kaanak kaya nahuli sila sa akto.
Nakuha mula sa mga suspek ang walong sachet ng shabu, improvised pipe, drug paraphernalia at ang buy-bust money.
Brgy. Pasok Putik
Biyernes ng hapon din nang arestuhin ng mga pulis sa isa pang buy-bust operation sina Alvin Gener, 29-anyos at nasa BADAC watch list, at Mark Joseph Fernando, 28, parehong taga Barangay Pasong Putik sa may Malipaca St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik. Nabawi mula sa kanila ang apat na sachet ng shabu at buy-bust money.
Bandang 10 p.m. naman nang dakipin sina Reynaldo Elumba Jr, 32, Juliann Esguerra, 34, at Archiebel Nuelam, 40, mga taga Brgy. Pasong Putik din. Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet ng shabu at buy-bust money.
Sa Brgy. North Fairview naman, naaresto ng mga PS-5 operatives sina Jenny Rubio, 40, Gerlyn Dacoco, 38, Evelyn Adriano, 59, at Efren Del Rosario Jr, 55, sa kahabaan ng Auburn Street. Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu at pera sa buy-bust.
La Loma
Sa pangunguna naman ni Supt. Robert Sales, inaresto ng mga taga-La Loma Police Station (PS-1) sina Benalyn Sabares, 37, ng Brgy. San Jose at Rex Baguioro, 50, ng Sta. Cruz, Maynila 6:00 p.m. nitong Biyernes sa Apo St. corner NS Amoranto, Brgy. Lourdes. Nakuha sa mga suspek ang limang sachet ng shabu at ang buy-bust money.
Gayundin, arestado ng PS-1 personnel sa kanilang anti-illegal drugs and anti-criminality operation sa Panulturan Street, Brgy. Manresa si Fernando Grafe, 27, ng Brgy. Manresa, 7 p.m. matapos makumpiska sa kaniya ang isang sachet ng shabu.
Nagsagawa naman ng operasyon ang Masambong Police Station (PS-2) sa pamumuno ni Supt. Carlito Mantala bandang 11:30 p.m.
Dinakip nila sina Eric Cruz, 24, at Mino Reyes, 34, parehong taga-Brgy. Bagong Pag-asa; Proficio Menorca, 34, ng Brgy. Project 6; Gerardo Saraza, 27, ng Brgy. Baesa; Jhun-jhun Kindat, 24, ng Brgy. Bago Bantay; at Jerome Robles, 24, ng Brgy. Katipunan.
Ito'y matapos isumbong ng isang concerned citizen ang isang shabu session sa No. 16 Sebastian St., Sitio San Roque II, Brgy. Bagong Pag-asa. Nang kumpirmahin, namataan ang mga suspek na gumagamit ng shabu.
Nakumpiska sa kanila ang anim na sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Nahuli rin sa akto ng paggamit ng shabu sina Princess Chua, 25, Anna Rose Rosal, 21, parehong taga-Brgy. San Antonio at Jerson Magsalin, 28, ng Brgy. Apolonio, sa No. 3K Block A, Sto. Niño St., Brgy. San Antonio. Nakumpiska sa kanila ang tatlong sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Talipapa
Sa operasyon ng Talipapa Police Station (PS-3) sa pamumuno ni Supt. Danilo Mendoza, inaresto sina Milky Crisostomo, 24, at John Joseph Pariñas, 31, parehong taga-Brgy. Bahay Toro, bandang 8:15 a.m. sa loob ng isang shanty na nakatayo sa ilalim ng tulay sa Mindanao Ave., Brgy. Bahay Toro.
Napag-alaman ng pulisya ang tungkol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek. Sa isinagawang follow-up operation, nahuli ang mga suspek sa isang shabu session. Nakumpiska sa kanila ang isang sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Dinakip din ng PS-3 operatives sina Roel Obsid, 49, ng Bagong Barrio, Caloocan City; Arturo Cardenas, 39, ng Brgy. Bahay Toro at Mark Anthony Oñana, 18, ng Brgy. Balon Bato nang magsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) 8:30 p.m. sa Ilalim ng Tulay, NDR, Brgy. Balon Bato.
Nahuli ang mga suspek na naglalaro ng Cara y Cruz at nagtangkang tumakas ngunit nahuli. Nang maaresto, natagpuan sa bawat isa ang isang sachet ng shabu.
Novaliches
Sa pangunguna ni Supt. Carlito Grijaldo, inaresto ng mga operatiba ng Police Station (PS-4) ng Novaliches sa buy-bust sina Edison Manlapaz, 34, Matet Duran, 30, Evelyn Rausa, 59, at Milvie Bacani, mga taga-Brgy. Gulod Novaliches, bandang 11:45 p.m. sa Manlapaz residence sa No. 19 Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches.
Nakumpiska ang isang medium sachet ng shabu, tatlong maliit na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Nagsagawa rin ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng Cubao Police Station (PS-7) sa pangunguna ni Supt. Louise Benjie Tremor, at inaresto sina Charito Banigan, 39, ng Baseco Compound Port Area, Manila at Cris Podol, 28, ng San Mateo, Rizal, 1 a.m. nitong Sabado.
Ito'y matapos may mag-ulat na concerned citizen tungkol sa shabu session sa Oxford St., malapit sa sulok ng Aurora Blvd ., Brgy. E Rodriguez, Cubao. Nahuli ng mga pulis ang mga suspek sa akto ng pagbatak ng shabu. Nakumpiska sa kanila ang paketeng may bakas ng shabu at drug paraphernalia.
Cubao
Inaresto rin ng mga tauhan ng PS-7 sa SACLEO, sina Manuel Go, 45, at Eddie Boy Emberzo, 22, parehong taga-Brgy. San Martín De Porres, Cubao, bandang 2:50 a.m. nitong Sabado sa tirahan ni Go sa No. 112 C Benitez St., Brgy. Ang San Martin De Porres, Cubao.
Ito'y matapos iulat ng isang concerned citizen ang tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspek. Agad umaksyon ang pulisya at nahuli ang mga suspek sa aktong pagbatak ng shabu. Nabawi sa mga suspek ang isang sachet, isang walang laman na pakete na may mga bakas ng shabu at drug paraphernalia.
Inaresto naman ng mga operatiba ng Project 4 Police Station (PS-8) sa pangunguna ni Supt Ophelio Dakila Concina Jr. Nadakip sina Joey Aguinaldo, 45, at miyembro ng Bahala na Gang, taga-Brgy. Marilag sa P. Tuazon Blvd. corner Pasaje De La Paz, Brgy. Milagrosa, Project 4.
Nakuha sa suspek ang anim na sachet ng shabu at pera ng buy-bust.
Naaresto rin ng PS-8 operatives sa buy-bust 9:15 pm ng Biyernes sina Iñigo Ibarreta, 50, ng Pansol Ave, Bungad; Martin Calderon, 44, at Noli Dela Vega, 21, parehong taga Batangas City. sa P. Tuazon Blvd. corner Tirona, Brgy. Milagrosa, Project 4. Nakumpiska ang limang sachet ng shabu, isang cellular phone at buy-bust money.
Sa pangunguna ni Supt. Alex Alberto ng Anonas Police Station (PS-9), naaresto sa buy-bust sina Salvador Reyes, 40, at Ramil Paa, 23, parehong taga-Brgy. UP Campus, 1:20 ng umaga Mayo 5, 2018, sa harap ng Reyes Residence sa Area 17, Brgy. UP Campus.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu at pera sa buy-bust.
Arestado ng mga operatiba ng PS-9 sa buy-bust sina Ronaldo Cruz, 39, at Jane Acusan, 43, parehong taga Brgy. Bago Bantay, 2:00 a.m. nitong Sabado sa kahabaan ng V. Luna Extension, Brgy. Malaya.
Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachets ng shabu, isang cellphone na ginamit sa drug deal at ang buy-bust money.
Dinakip ng mga operatiba ng Galas Police Station (PS-11) sa buy-bust sina Randy Bautista, 40, ng Brgy. Pinyahan 4:00 p.m. ng Biyernes sa E. Rodriguez corner Tomas Morato St., Brgy. Kristong Hari. Nakuha ang isang sachet ng shabu mula sa suspek.
Kakasuhan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — MDM, GMA News