ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 patay, 4 kritikal sa salpukan ng dalawang bus, isang SUV sa Calauag, Quezon


 

Patay ang isang babae matapos ma-sandwich ng dalawang pampasaherong bus ang isang SUV sa Maharlika Highway, Doña Aurora, Calauag, Quezon, Mayo 13, 2018. Photo: Kabalikat Civicom Calauan/PNP Calauag
Patay ang isang babae matapos ma-sandwich ng dalawang pampasaherong bus ang isang SUV sa Maharlika Highway, Doña Aurora, Calauag, Quezon, Mayo 13, 2018. Photo: Kabalikat Civicom Calauan/PNP Calauag

Patay ang isang babae habang apat ang nasa kritikal na kondisyon matapos ma-sandwich ng dalawang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang SUV sa Maharlika Highway, Doña Aurora, Calauag, Quezon 3:00 ng hapon ng Linggo.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Calauag, galing Bicol ang SUV at patungo sana sa Antipolo nang mangyari ang aksidente. Nayupi ng sobra ang SUV at naipit ang mga sakay nito sa loob.

Naging pahirapan ang pag-rescue sa mga sakay nito.

Tumulong rin ang mga residente na makuha ang mga sugatang biktima sa loob ng SUV. Isinugod sila sa isang pagamutan sa Calauag.

Nasa kustodiya na ng PNP Calauag ang mga driver ng RU Diaz bus at AB Liner bus.

Sa mga oras na ito ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng aksidente. — BM, GMA News