Bukod kay Erap, mga pumaslang kay Ninoy patatawarin din?
Matapos mapatawad si dating pangulong Joseph Estrada, pinag-iisipan ngayon ng Malacanang ang posibleng pagpapatawad sa mga nahatulang pumaslang noong 1983 kay dating senador Benigno âNinoy" Aquino, mahigpit na kritiko sa diktaduryang rehimeng Marcos. Nitong Sabado, sinabi ni Ignacio Bunye, presidential spokesman, na pag-aaralan ng gobyerno ang posibilidad na mapatawad ang mga nahatulang sundalo. âIt will be subject to the general rule of age cutoff. All the others will have to be treated on a case-by-case basis," ani Bunye sa panayam ng dzRB radio. Binigyan ng executive clemency ni Pangulong Gloria Arroyo si Estrada noong ika-25 ng Oktubre matapos ang mahigit 40 na araw mula nang itoây mahatulan ng Sandiganbayan na nagkasala ng pandarambong. Sinabi ni Gng. Arroyo noong Biyernes na isang mabigat na dahilan ang edad (70 pataas), batay na rin sa polisiya ng pamahalaan, ang pagbigay ng kapatawaran kay Estrada. - GMANews.TV