Buntis, nanganak sa sasakyan matapos maipit sa trapik sa EDSA
Isang ginang ang nagsilang ng kaniyang baby sa loob ng sasakyan matapos na maipit sa trapik sa EDSA habang patungo sa ospital noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Cheoui de Leon, nagdaraos siya ng baby shower para sa ikalawa niyang anak nang biglang sumakit ang kaniyang tiyan. Matapos nilang abisuhan ng kaniyang mister na si Luis Bernabe ang kaniyang doktor, pinayuhan silang pumunta na sa ospital.
"When I started to feel contractions, they were telling me baka nagle-labor na ako and told me to inform my OB baka need ko na umalis," sabi ni Cheoui sa panayam ng GMA News Online via Facebook messenger.
"Every contraction, pasakit nang pasakit. Kala ko wala lang, umabot na sa point na ang lamig na ng pawis ko.
"No'ng nagiging unbearable na 'yong pain, medyo nagpi-freak out na 'yong mga tao pati ako. When my OB texted to go to labor room, that's when I decided to go. I even managed to say goodbye to our guests," sabi ni Cheoui.
Hindi umano inakala ni Cheoui na mararanasan niya ang mga napapanood lang niya sa pelikula na mga babaeng nanganganak sa kalye.
Habang papunta sila sa ospital sa Kamuning, Quezon City, naipit na sila sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
At nang papasok na sila sa ospital, hindi na nakapaghintay ang baby sa kaniyang sinapupunan at lumabas na kahit nasa loob pa sila ng sasakyan sa oras na 7:30 p.m.
Saad ni Cheoui sa kaniyang Facebook post:
Luis was able to catch her just in time when we stopped. I held her in my arms and she started to cry. My God. Funny moment is when the guy who assist patients in the E.R. was stunned when Luis told him, "Kuya! Pakitawag yung nurse! Hawak na ng asawa ko yung anak namin!" He didnt know what to do like get a wheelchair, come to me, call the nurse or the doctor. Lol Then aid came in.
Kaagad naman silang inalalayan ng mga tauhan sa ospital.
Pinangalanan nila ang baby na si Sabrina Leaouis. — FRJ, GMA News