Libing na patayo
Ang 54 hektaryang lote ng Manila North Cemetery ang pinakamalaking pampublikong libingan sa Metro Manila at marahil sa buong Pilipinas. Alam nyo ba na minsan ay may nagmungkahing opisyal sa Maynila na ang mga patay na dadalhin dito ay ilibing na patayo. Walang malinaw na listahan kung ilan talaga ang nakalibing sa North Cemetery na itinayo mula pa noong 1904. Ngunit dahil nauubos na rin ang espasyo na pinaglalagyan ng mga patay, ikinonsidera ng isang opisyal sa Manila City Hall noong 2003 na ilibing ang patay ng nakatayo sa halip na pahiga. Nakakatawa ngunit praktikal ang naisip na solusyon ng dating administrador ng libingan lalo paât hindi bababa sa 80 bangkay ang inililibing sa sementeryo kada linggo. Kung noon nga naman ay isinasagawa ang paglibing ng nakaupo sa mga yumao sa Mt. Province, bakit hindi nga naman pwede ang nakatayo? Ngunit dahil hindi umubra ang planong paglibing ng nakatayo, humanap na lang ng ibang paraan ang lokal na pamahalaan ng Maynila kung papaano mapagkakasya ang mga inililibing sa âNorte" sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga âapartment" type o patong-patong na nitso. Ilan sa mga kilalang personalidad na nakalibing dito ay sina dating Pangulong Ramon Magsaysay; mag-amang sina Fernando Poe Sr at Jr.; makatang si Jose "Huseng Batute" Corazon de Jesus; boksingerong si Pancho Villa; at Prinsesa ng Kundiman na si Atang dela Rama-Hernandez.- GMANews.TV