Dulce Saguisag patay sa aksidente; Rene, kritikal
Nasawi ang asawa ni dating Senador Rene Saguisag na si Dulce sa isang banggaan nitong Huwebes bandang 1:15 ng madaling araw habang tumatawid sa Osmena Highway (dating South Superhighway) mula sa Arnaiz Avenue (Pasay Road). Nasa kritikal na kondisyon and dating senador sa Makati Medical Center (MMC). Ayon sa ulat ng dzBB radio, lulan ng puting Toyota Hi-Ace Grandia van ang mag-asawa at dalawa pang kasamahan nang bungguin ng isang Isuzu dump truck sa Osmeña Highway. Nanggaling sa Laguna ang truck. Pauwi diumano ang apat matapos dumalo sa ballroom dancing sa Bykeâs Café sa Makati City. Iniulat sa dzBB radio na nakipaghapunan muna si Saguisag kay dating Pangulong Joseph Estrada sa tahanan nito sa Greenhills bago tumuloy sa Bykeâs Cafe kasama ang asawa. Ipinakita sa GMA News Unang Balita ang kuha ng kaliwang bahagi ng van (plate ZFV-674) na yuping-yupi samantalang mapapansin na nakaladlad ang airbag sa manibela ng sasakyan. Sa likod ng tsuper, sa gawing kaliwa, nakaupo si Dulce nang maganap ang aksidente. Natangay pa ng truck (GBF-417) ang van ng 20 hanggang 30 metro bago tuluyang huminto. Batay sa ulat ng pulisya, nakarehistro ang truck sa isang Melchor Gerona ng barangay Tumana, Sta. Maria, Bulacan. "Nung makita kong green (stoplight), tumuloy na 'ko. Eh nung makita ko may sasakyang tumawid, nung maâmreno ako âdi na siya nakuha nakaladkad na siya," pahayag ni Manuel Geronimo, tsuper ng dump truck. Subalit mariin itong pinabulaanan ng tsuper ng taxi na diumanoây nasa likod lamang ng Grandia nang maganap ang insidente. Ayon sa kanyang pahayag sa GMA News, sila ang naka-go signal nang bungguin ni Geronimo ang van nina Saguisag sa kalagitnaan ng highway. "Bale naka-go na kami sir eh. Eh 'yung trak na galing sa South Superhighway, tuloy-tuloy, walang preno, walang menor," sinabi ni Jeofrey Olmaguez, tsuper ng taxi. Batay sa panayam ng dzBB radio sa Makati police, nahaharap ngayon ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries at damage to property. Kritikal na kondisyon Sinabi ni Dr. Romeo Bongar sa dzBB radio na kritikal ang kondisyon ng 68-taong-gulang na si Saguisag na naunang isinugod sa Ospital ng Makati sa Malugay Street. Ayon sa medical bulletin ng MMC, maaaring operahan si Saguisag upang gamutin ang âsevere trauma" sa kanyang ulo at dibdib. "Atty Rene Saguisag suffered severe trauma to the head and chest as a result of a vehicular accident early this morning. He is currently admitted at the intensive care unit of our hospital," isinaad sa medical bulletin na iniulat ng radio dzBB. "We (Doctors) may have to undergo surgical intervention to address complication resulting from injuries he sustained. He is being attended by a team of specialists headed by Dr Victor Alvarez, a neurosurgeon," dagdag ng pahayag. Iniulat naman sa QTV Live on Q na may blood clot sa ulo si Saguisag matapos lumabas ang resulta ng CT scan,, ayon sa kanyang anak na si Atty. Rebo Saguisag. May malay din daw ang dating senador at may pito hanggang walong baling buto. Samantala, ideneklarang dead on arrival si Dulce Maramba Quintans-Saguisag, 64, ni Dr Raphael Tecson. Nakalagak ang kanyang labi sa Arlington Funeral Homes sa Quezon City. Siya ay cancer survivor. Malubha ring nasugatan ang tsuper ng mag-asawa na si Felipe Calvario Jr, 31, at Imelda Obong, isang dance instructor. Kritikal din ang kondisyon ni Calvario sa MMC Si Obong ay nasa Ospital ng Makati at may mga natamong ilang sugat. Ayon sa isang ulat ng dzBB radio bago mag alas-3 ng madaling araw nitong Huwebes, inilipat si Saguisag sa isang sangay ng Ospital ng Makati sa Sampaguita Street upang sumailalim sa CT scan bago dalhin sa MMC. Nasa stretcher si Saguisag, may benda sa ulo at body brace nang dalhin sa emergency room ng ospital. Isa sa mga naunang sumugod sa Makati Med si Makati Mayor Jejomar Binay, malapit na kaibigan ng mag-asawa, matapos mabalitaan ang aksidente. Dulce Nagsilbing kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang maybahay ni Saguisag sa administrasyon ni Estrada. Nagtamo siya ng masters degree sa social work at humalili kay Arroyo nang magbitiw ito sa kalagitnaan ng impeachment trial ni Estrada sa Kongreso. Tumayo siyang executive officer ng Mondragon Industries bago manungkulan sa gobyerno. Bago namatay, si Dulce siya ay secretary general ng Gymnastics Association of the Philippines. Rene And dating senador ay isa sa defense lawyers at tagapagsalita ni Estrada. Ipinanganak siya sa Mauban, Quezon at nagdiwang ng ika-68 kaarawan nitong Agosto 14. Nagtapos siya ng Bachelor of Laws sa San Beda College bilang cum laude at naging full scholar sa Harvard University noong 1968. Nagtrabaho si Saguisag bilang checker, laborer, construction site guard at messenger mula 1959 hanggang 1962. Samantala, naging student researcher din siya at kalaunaây part time sa Ledesma, Guytingco, Velasco and Saguisag mula 1962 hanggang 1972. Ilan sa mga mahahalagang katungkulan niya ay ang pagiging Human Rights lawyer, tagapagsalita ng nooây kandidatong si dating Pangulong Corazon Aquino, at naging senador mula 1987 hanggang 1992. Sa Senado, hinawakan niya ang Senate committee on ethics and privileges at ang ad hoc committee sa Bataan Nuclear power plant. Isa rin siya sa dalawang Senador na nagawang dumalo sa 415 session days mula Hulyo 1987 hanggang Hunyo 1990. May limang anak ang mag-asawang Saguisag, sina: Rebo, Lara, Popoy, Mickey at gymnast na si Kaiza, nag-uwi ng bronze sa womenâs artistics ng 2005 Southeast Asian Games. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV