Lalawigang 'nilimliman' ng manok
Kilala ang Romblon na lalawigan na pinagmumulan ng primera klaseng marmol. Pero alam nyo ba kung saan kinuha ang pangalan ng probinsyang ito na dating bahagi lamang ng lalawigan ng Capiz. Ang Romblon ay nahahati sa tatlong pangunahing isla â ang Romblon, Tablas at Sibuyan. Nakaluklok sa Romblon, Romblon ang sentro ng kapangyarihan ng lalawigan kahit mas maliit ang islang ito kumpara sa Tablas at Sibuyan. Sinasabi na isang sundalong Kastila ang ânagbinyag" ng pangalan sa Romblon na unang tinawag na âlomlom." Ang âlomlom" ay salitang bisaya na ang ibig sabihin ay âlimlim" tulad ng ginagawa ng inaheng manok sa kanyang itlog upang mapisa. Unang tumapak umano sa Romblon ang mga Kastila noong 1582. Isang sundalo nito ang namasyal sa isla at nakakita ng inahing manok na naglilimlim sa kanyang itlog. Kinausap umano ng sundalo ang isang nakatira sa isla para hingin ang manok. Pero dahil sa hindi sila nagkakaintindihan, walang ibang bukambibig ang lokal na residente kundi ânagalumlom" na ang ibig sabihin, naglilimlim ang manok. Nang bumalik sa barko ang sundalo at tanungin ng mga kasamahan kung saan ito galing, inulit-ulit ng sundalo ang natutunang salita na âlumlom." Sa paglipas ng panahon, ang "lumlom" ay naging âdumblon," hanggang sa maging âromblon." Taong 1853 nang gawing sub-province ng Capiz ang Romblon sa dikta ng mga Kastila. Nang pumalit ang mga Amerikano, idineklarang hiwalay na lalawigan ang Romblon noong 1901. Ngunit dahil sa mahirap ang kabuhayan dito at mahina ang kita ng pamahalaan, ibinalik sa kategorya bilang sub-province ng Capiz ang Romblon taong 1907. Pagsapit ng taong 1917, muli itong ginawang lalawigan pero binuwag uli noong 1941. Hanggang sa permanente na itong maging lalawigan noong 1947. - GMANews.TV