ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PANOORIN
School principal sa umaga, magsasaka sa hapon
Nag-viral sa social media ang video ng isang school principal na nag-aararo sa garden ng school na kanyang pinagtatrabahuhan.
Kuha ang video sa pangalawang araw ng Brigada Eskwela sa Sapa Anding Agricultural Vocational Technical School sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur.
Dinala ng punong-guro na si Desiderio Logdonio ang kaniyang alagang kalabaw at inararo ang garden ng school.
"Hindi ako nahihiyang mag-araro dahil ito ang nagpapa-aral sa akin," pahayag ni Principal Logdonio.
Nag-aararo pa rin umano siya tuwing pag-uwi niya galing sa trabaho. Kaya tinagurian siyang "principal sa umaga. magsasaka sa hapon."
Aniya, mahirap talikuran ang pagsasaka dahil ito rin ang nagpapa-aral sa kaniyang mga anak. —LBG, GMA News
More Videos
Most Popular