Saan nakaharap ang rebulto ni Rizal sa Luneta
Ang rebulto ni Dr. Jose Rizal ang pangunahing atraksyon sa Luneta, dating kilala sa tawag na Bagumbayan kung saan siya binaril ng mga Kastila. Pero alam nyo ba kung saan direksyon nakaharap ang estatwa ng ating pambansang bayani. Ang disenyo ng Rizal monument ay idinaan sa international art competition noong 1905. At ang nanalong disenyo ay gawa ng Swiss sculptor na si Richard Kissling. Ngunit ang obrang ito ni Kissling ay second placer lamang sa kompetisyon. Sinasabing hindi ginamit ang disensyo ng nanalong first place na likha ng Italian artist na si Carlos Nicoli dahil sa mga teknikalidad. Taong 1912 nang makompleto ang monumento ni Rizal kung saan nakaharap ang kanyang rebulto sa Kanluran patungo sa bahagi ng Manila Bay. Maging ang rebulto ni Rizal sa Novalichez, Quezon na ilang ulit ng inilipat ng pwesto dahil sa mga ginagawang konstrusyon ng gusali sa paligid ay pinal na inilagay sa SB Plaza kung saan iniharap ito sa direksyon patungo sa Manila Bay. - GMANews.TV