Kay Danding napunta ang 20% ng San Miguel Corp
Ibinasura ng Sandiganbayan nitong Miyerkules ang hinahabol na 20 porsyento ng gobyerno sa kumpanyang San Miguel Corp. Dahil dito, si San Miguel chairman Eduardo "Danding" Cojuangco ang siyang magmamay-ari ng pinag-aagawang shares. Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan First Division, isinaad na kulang ang ebidensiya ng gobyerno upang patunayan ang kanilang karapatan sa nasabing share o sapi. âPlaintiff did not present any other evidence during the trial of this case but instead⦠merely used the same evidence it had already relied upon when it moved for partial summary judgment over the Cojuangco block of SMC shares. Altogether, the Court finds the same insufficient to prove plaintiffâs allegations in the complaint," ayon sa desisyon. "The court finds its (governmentâs) evidence insufficient to prove that the loans obtained by defendant Cojuangco Jr. were the same money used to pay for the SMC shares. The scheme alleged to have been taken by defendant Cojuangco Jr. was not even established by any paper trail or testimonial evidence that would have identified the same," pagpapatuloy nito. Bukod dito, sinabi rin ng korte na ang paghahabol ng Cocofed (Philippine Coconut Producers Federation), ang ikatlong partidong naghahabol sa sapi, ay idineklarang âmootâ sapagkat napatunayan na kung sino ang may-ari ng 20-porsyentong shares. âIntervenors COCOFED et al, while notified of the proceedings (trial on merits over the 20 percent block), took no stand to participate therein. As it is, the Court can only conclude that COCOFED at alâs interest does not so much lie therein except to disprove that COCOFED acted as dummy of defendants Cojuangco et al," sinabi sa desisyon. Hinahabol ng gobyerno ang sapi matapos ang alegasyon na ginamit ni Cojuangco ang coconut levy fund, isang buwis na ipinataw sa mga nagtatanim ng niyog noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, upang angkinin ang 47 porsyento ng San Miguel. Subalit ipinagbili na ni Cojuangco ang bahagi ng pinag-aagawang sapi sa halagang P4.82 bilyon sa San Miguel Retirement Fund. Ipinambayad ng San Miguel ang nasabing halaga upang bayaran ang utang nito sa United Coconut Planters Bank. Sa paunang taya, aabot sa P6.05 bilyon ang sapi. Kinatigan ng Sandiganbayan ang pagbebenta ng sapi nitong Mayo sa kundisyong gagamitin lamang itong pambayad-utang. Hindi sumang-ayon ang pamahalaan sa desisyong ito ng korte sapagkat tila ipinagpapalagay nito ang tunay na may-ari ng 20 porsyentong pinag-aagawang sapi. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV