ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Motel sa Baguio City, nasunog –BFP
By PEEWEE BACUÑO
Nasunog ang isang motel sa kahabaan ng Katipunan Street sa Baguio City nitong Sabado ng hapon.
Pahayag ng Baguio City Fire Department (BCFD), nagsimula ang apoy dakong alas-dos ng hapon.
Mabilis naman na naka responde ang mga bumbero ng BCFD at iba pang fire volunteers.

Photos by Patrick Marrero Tapang

Naglabasan mula sa mga karatig na gusali ang mga tao at nagpunta sa lansangan dahil sa takot o pangamba na gumapang ang apoy.
Tumagal ng halos 1 oras ang sunog at idineklara itong fire under control dakong 3:30 ng hapon.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog, pero patuloy pa ang pag-aapula ng
Patuloy ang ginagawang pag apula sa apoy.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang BFP upang matukoy ang dahilan ng sunog. —LBG, GMA News
Tags: fire, baguiocity
More Videos
Most Popular